Thursday, April 8, 2010
Sisiw
Hehehe. Sarap balikan ng panahong wiling-wili ako sa mga sisiw na binebenta sa harap ng elementary school, simbahan, tuwing fiesta at all-season available ito sa Pasay. Halos araw-araw bumibili ako kasi araw-araw namamatayan ako ng alaga.
Noon, di pa uso ang mga kulay-kulay na gaya ng nakikita nyo sa larawan sa taas. Ang alam kong kinukulayan eh ibong maya na walang kwentang alagaan kasi di mo pwedeng alisin sa kulungang gawa sa kinayas na kawayan. Di mo pwedeng halik-halikan, pahabulin at walang tunog na pasiyap-siyap na ikinabubwisit ng nanay mo dahil istorbo sa gabi.
Minsan, nakapag palaki ako (actually, di akin.... sa kapatid ko pero ako ang nagpapakain) ng sisiw. Syempre tuwang-tuwa ako ng ang mga delicate feathers nya ay unti-unting nagpupti at tumitigas, hanggang maging isang true-blue chicken na sya.
Maligaya ako sa sisiw na iyun at gayun din sya sa akin. Binabantayan ko sya mula sa mga atake ng iba pang mga alagang hayop sa looban namin tulad ng pusang itim na pagka-kinis-kinis ng balahibo (pagka takaw-takaw din!); asong matanda na (Nora ang pangalan) at ginagalis, pabo na nanunuka whether you're naughty or nice at mga dagang animo'y tao dahil di takot sa amin.
Nagulat na lang ako nang minsan isang tanghali ay di ko makita ang ngayon iy isan nang manok. Hanap ako ng hanap hanggang maamoy ko ang masarap at mabangong amoy ng tinola. Ayun! Kinatay na pala ng tatay ko!
Syempre nalungkot ako ng sobra-sobra. Hindi ako kumain nang tanghalian at hapunan nung araw na yun. (And what do you expect?!)
Since then, di na ako nag-alaga ng fowl until now... when I bought Chelsea the duck whom I will feature here next time so watch out!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ask ko lang po anung uri ng manok po b yang mga sisw n binibenta s church?
ReplyDelete