Thursday, April 8, 2010
Matang Kenkoy
Noong araw, elementary days pa, sa harap ng bahay namin, may riles ng tren (hanggang ngayon naman, actually). Sa gilid-gilid ng railway tracks, punong puno ng mga wild na halaman, puno, mga sapa (pond) kung saan kami nanghuhuli ng mga palaka, martiniko at gurami. Doon kami palaging naglalaro ng mga pinsan ko na ikinagagalit ng mga magulang namin dahil nga delikado sa sagasa ng tren. Salamat naman sa Diyos at walang nasagasaan isa man sa aming magpipinsan. The worst case na nangyari to any of us ay ang mahulog sa kanal at makakain ng burak!
Naaalala ko pa na mahilig kaming maglaro ng sumpit. Kadalasan, Monggo ang bala pero syempre kung walang monggo.... paano na?
Enter Matang Kenkoy! Isang damong tumutubo sa kung saan may lupa kasama ng ampalaya-ampalayahan, alugbati at kung ano-ano pang weird na damo-damohan. Dami nito sa riles kaya phenomenal ang pagkaka-uso nito parang teks at tau-tauhan. Ang bunga nito ay nababalot ng isang soft pod. Kadalasan may 3 buto na green kung fresh pa at black pag tuyo na. May heart-shaped white mark ang mga ito. Pag naging black na ang buto at tumigas, ayos! Bala na sa sumpit. Tabo-tabo ako kung mag-ipon nito dati.
Lately, nakakita ako dito sa gilid-gilid ng subdivision kaya naisipan kong i-blog.
Matang kenkoy: kilala mo ba ang halamang ito?
Labels:
ala-ala ng lumipas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
matang pusa samin to eh.. share lang! ^^
ReplyDeleteTawag namin jan matang pusa
ReplyDelete