Wednesday, May 19, 2010
Kamote Q
Meryenda muna mga 'tol! For a delightful pinoy snack, wag kalimutan na palaging may mabibiling Kamote Q dyan sa kanto. Pero kung gusto mong pahirapan ang sarili mo, magluto ka na lang.
Naaalala ko pa nung high school, P7.00 lang ang baon ko sa Makati Polytechnic Community College aka Poly. Tamang-tama lang para sa palamig at kamote Q. Dun, kay manang kami nagmemeryenda at tumatambay kapag vacant period or kapag nag cut kami ng classes (kadalasan Practical Arts ang di namin pinapasukan kasi yung teacher namin, bilhan mo lang ng kung anong tinda nya, PRESENT ka na!)
Si manang kamote Q naman, pwedeng arkilahin kapag bring mother ka! Hahahaha!
Tama na ang memories chuva.... ito na ang recipe:
1 kg Kamote (dilaw, ha!)
1/4 Kg segunda sugar
BBQ sticks
Mantika
Balatan ang kamote (gumamit ka ng peeler para mabilis). I-slice ito ng pabilog, mga 1.5 inch thick. Mas maigi kung ibibilad sa arwa kahit 10-20 minuto para matanggal ang dakta. Magiging moist kasi ang kamote habang pinipirito, hindi gaano kakapit ang arnibal. In other words, magtutubig.
Painitin ang mantika sa isang malukong na kawali. Isalang ang kamote kasabay ng pagbudbod ng segundang asukal. Segunda ha, hindi pula. Kasi mas matagal ang burning rate nito. Pumapait ang caramel pag nasunog agad. Huwag i-overcrowd ang kawali with kamote. Pag nag caramelize na ang sugar, baligtarin ang kamote at haluhaluin gamit ang siyense.
Pwede nang hanguin kapag brown na ang kamote at kapit na ang asukal. I lagay sa platong may dahon ng saging para di magdikit-dikit.
Tuhugin!
Labels:
food
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment